Thunderstorm, mararanasan na kasunod ng paglapit ng heat index sa Extreme Danger level ng heat index- Weather Forecaster

NAGA CITY- Asahan na ang pag-ulan kasunod ng napakataas na heat index, tulad na lamang sa Naga City at Camarines Sur.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ng weather forecaster na si Mike Padua, matapos na maitala ang  50°C heat index, base sa record ng Typhoon2000 Automated Weather Stations nitong Abril 23. Habang 46°C ang pinakamataas  na naitala sa Camarines Sur, ala-una ng hapon nitong Abril 23, sa monitoring system ng PAGASA sa bayan ng Pili. Aniya ang init factor na ito ay malapit na sa extreme danger sa sukatan ng PAGASA na 52°C pataas.

Paliwanag ni Padua, kapag ang humidity tumaas  o ang sukatan ng water vapor, asahan na ang pag-ulan.  Pasado alas-11 kahapon nang pumatak nga ang ulan, kanya-kanyang kuha ng larawan o kaya video ang mga nasabik sa buhos nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *