Kita ng mga carwash shop sa Naga City, hindi apektado ng mababang supply ng tubig

NAGA CITY- Ramdam ng halos lahat ng sektor sa lipunan ang hirap kapag kulang ang supply ng tubig sa gitna ng mainit na panahon ngunit ang kita ng mga carwash shop sa Naga City, tila hindi apektado ng problemang ito.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Jhosa Forlando, sekretarya ng isang carwash shop , na nagagawan naman nila ng paraan ang kulang at mahinang supply ng tubig sa lugar. Sa maghapon na operasyon, umaabot pa naman sa 20 hanggang 30 mga sasakyan ang nagpapacarwash sa kanila kaya hindi pa naman sila nakakaramdam ng pagkalugi.

Tubig ang isa sa mga pinakaimportanteng kailangan ng tao sa araw-araw, mapanegosyo man o pansariling gamit kung kaya’t kahit mahirap, kailangang magdagdag ng sakripisyo at diskartehan ang kulang na supply nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *