Turismo ng Sultan Kudarat, inaasahang mapapalakas pa dahil sa hosting ng Miss Universe Philippines

KORONADAL CITY – NANINIWALA ang provincial government ng Sultan Kudarat na sa pamamagitan ng hosting ng Miss Universe Philippines 2024 ay mapapalakas pa ang turismo ng lalawigan.

Ayon kay OIC Provincial Tourism Officer Kaharudin Dalaten na maraming mga tourist attractions sa kanilang lugar na maaaring puntahan ng mga turista katulad Bansada Agri-Eco Adventure Park sa Bagumbayan, Pangadilan Rock Formation Falls at La Palmera Mountain Ridge sa Columbio.

Dahil sa partnership ng provincial government sa pamumuno ni Governor Datu Pax Ali Mangudadatu at Miss Universe Philippines organization, maipapalaganap pa ang kagandahan ng Sultan Kudarat hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo.

Napag-alaman na dumating na ang mahigit sa 50 mga kandidata para sa Tourism Shoot, Runway Challenge, Inaul Fashion Show at National Costume Competition. Pinasiguro naman ng provincial government ang seguridad ng mga Miss Universe Philippines candidates sa pre-pageant activities na magtatagal hanggang Abril 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *