Drug pusher na dati na ring nakulong dahil sa iligal na droga, tiklo sa drug buy-bust ops sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang drug pusher na lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa Purok 4, Brgy. Rawis, lungsod ng Legazpi.

Ayon kay PDEA Albay head Noe Briguel, pinagbentahan ng suspek na si Dexter Tularam Luyon, 52 anyos, residente ng Brgy. Talon V, Las PiƱas City ang kanilang poseur buyer at nang makuha na ang nasabing item ay agad nila itong inaresto.

Nakuha sa kanya ang humigit-kumulang 100 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang P240K.

Sinabi pa ni Briguel, dati na rin itong nakulong sa New Bilibid Prison dahil sa iligal na droga at nakalabas ito noong Oktubre 7, 2023 at napag-alaman din na nais ng suspek na maglagay ng market ng droga sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *