“Tutok kainan” sa Gainza, Camarines Sur, malapit ng umarangkada

CAMARINES SUR -Malapit ng maisakatuparan sa bayan ng Gainza, Camarines Sur ang Tutok Kainan Program kung saan prayoridad na bigyan ng masustansyang pagkain ang mga buntis at inang nagpapasuso.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Virginia Toribio, RM, at Acting Information Officer ng Rural Health Unit sa bayan, noon pa man ay gustong-gusto na nilang gawin ang proyekto ngunit dahil sa kawalan ng budget, ngayon pa lamang nila masisimulan ang implementasyon nito. Kamakailan lang, nakakuha sila ng 100% rating sa internal verification ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Program (PMNP) at dahil dito, mabibigyan na sila ng pondo para sa naturang programa.

Maituturing na isang pinakamahalagang bahagi ng pagbubuntis at pagpapasuso ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ng ina dahil maging ang nutrisyon ng anak ay sa kanila rin nakasalalay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *