Ukraine air strike, tumama sa fuel depot sa Russia

Kinumpirma ng isang local governor na nagsagawa ng strike ang Ukrainian helicopters sa fuel storage facility sa western town ng Belgorod sa Russia.

Ayon kay Vyacheslav Gladkov, may nangyaring sunog sa petrol depot dahil sa air strike na isinagawa ng dalawang Ukrainian army helicopters, na pumasok sa Russian territory na nasa low altitude.

Dagdag nito, may dalawang empleyado rin umano sa storage facilities ang nasugatan dahil sa sunog.

Sinubukan rin ng 170 personnel na apulahin ang apoy, habang inilikas rin ang mga staff na nasa loob ng premises.

Ang Belgorod ay nasa 40 kilometers (25 miles) mula sa border ng Russia sa Ukraine at 80 kilometers mula sa Ukrainian city ng Kharkiv, na paulit-ulit nang inaatake ng Russian forces simula nang maglunsad ang Moscow ng giyera noong February 24.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *