Unvaccinated folks sinisi sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Alabama

Sinisi ni Alabama Republican Governor Kay Ivey ang mga unvaccinated folks sa pagtaas ng COVID-19 cases sa kanyang estado.

Sinabi ni Ivey na dapat pairapin ng mga tao ang common sense pero panahon na aniya para paalalahanan ang mga unvaccinated sa kanilang ginagawa na humihila pababa sa lahat.

Ayon sa report, ang Alabama ang least vaccinated state sa America na mayroong roughly 33.9% ng mga residents ang tanging fully vaccinated base sa data mula sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Napag-alamang patuloy sa pagdami ng COVID-19 cases sa Alabama kung saan sa pinakahuling report ay umabot na sa 4-times ang bilang ng mga kaso sa nakaraang dalawang linggo.

Kaugnay nito, sinabi ni Ivey na panahon na para mabigyan ng COVID-19 shots ang kanilang mga kababayan dahil ang bakuna ang pinakamalakas na panlaban sa pandemya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *