Viga District Hospital sa Catanduanes, magsasagawa ng ‘walk in vaccination’ ngayong araw

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng pamunuan ng Viga District Hospital sa lalawigan ng Catanduanes na magkakaroon ng vaccination roll out sa nasabing pagamutan ngayong darating na Huwebes, November 25.

Ang nasabing bakunahan ay para sa mga edad 18-anyos pataas kung saan tatanggapin ang mga ‘walk in’ vaccinees. Ito ay magsisilbing first dose ng mga residenteng pupunta sa naturang vaccination, kung saan Sputnik V ang brand ng bakunang ituturok.

Kaugnay nito, ipinaalala naman ng naturang ospital sa mga residenteng tutungo at nais na mabakunahan na ang Sputnik V ay hindi maaaring iturok sa mga buntis at nagpapasusong nanay.

Huwag rin umanong kakalimutang magsuot ng facemasks at face shield at magdala ng sariling ballpen at valid ID.

Inaasahang magtutuloy pa ang pagbabakuna sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan lalo na at dumating nitong Lunes ang dagdag na 8,130 doses ng Sinovac vaccines at 11,700 doses naman ng Astrazeneca.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *