11 employer sa Camarines Norte na nahaharap sa iba’t-ibang paglabag inatasan ng SSS na i-settle ang kanilang obligasyon

CAMARINES NORTE – Inatasan ng Social Security System (SSS)ang labing isang employer sa Camarines Norte na nahaharap sa iba’t- ibang paglabag sa ilalim ng Social Security Act of 2018 na i- setlle ang kanilang obligasyon.

Kahapon, binisita ng SSS ang walong delinquent employers sa Daet at tatlo sa Basud para isilbi ang written order na kailangan nilang i- comply sa loob ng 15 araw.

Ito na ang ikatlong pagkakataon ngayong taon na nagsagawa ng Relief Afforded to Challenged Employers (RACE) ang SSS sa lalawigan na layong ipaalala sa mga employer ang kanilang legal obligation.

Sa 11 employer mahigit 50 empleado ang apektado at ang inaasahang collectibles sa ginawang RACE ay nasa 319, 881.

Kabilang sa mga violation ng mga binisitang employer kahapon ay non- remittance, non- registration at mayroon ding hindi nagsusumite ng records sa SSS tulad ng payroll.

Ayon kay Atty. Danilo Ayo, Attorney III ng SSS Luzon Bicol Division, na ang RACE ay isang paraan din para matulungan hindi lang ang mga apektadong empleado kundi ang mismong employer na maibalik ang magandanmg record sa SSS.

Hinimok naman ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo ang mga empleado na i- report ang pag- aabuso ng kanilang mga employer lalo na ang hindi pagre- remit ng kanilang contributions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *