9 centenarians sa So.Cot, nakatanggap ng cash grant

KORONADAL CITY- SIYAM na mga centenarians o mga may edad 100 pataas sa lalawigan ng South Cotabato ang nakatanggap ng one-time cash grant at monthly allowance mula sa provincial government.

Apat sa mga benepisyaryo ay residente ng Surallah, at tig-isa sa Banga, Tantangan, Tupi, Polomolok at Koronadal City. Inihayag ni Jessie Palmes, Community Affairs Officer II ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO na ang mga ito ay nakatanggap ng one-time cash grant na tig P 20,000, biskwit, gatas, at oatmeal.

Maliban sa ibinibigay ng lalawigan, ang mga centenarians ay makakatanggap din ng cash grant na P 100,000 mula sa national government. Ito ay batay sa Republic Act No. 10868 o Centenarians Act of 2016 na nag-uutos sa pagbibigay ng cash gift sa lahat ng mga Pinoy na umabot sa 100 years old pataas.

Samantala, aprubado na sa third and final reading ng senado ang bill na magbibigay ng cash gifts sa mga may edad 80 at 90 years old. Oras na maging ganap ng batas, ang mga senior citizens na may edad 80 anyos ay makakatanggap ng P 10,000 habang P 20,000 sa mga 90 anyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *