20 indibidwal patay sa Ecuador prison riot

Patay ang 20 tao sa prison riot sa southern Ecuador, na bagong madugong karahasan sa detention facilities ng South American country.

Ayon kay Interior Minister Patricio Carrillo, lima sa mga nagkapira-piraso sa sagupaan sa El Turi prison sa Cuenca.

Mababatid na nahihirapan ang Ecuador sa mga nakalipas na taon na mapigilan ang prison violence na kadalasan ay gang-related, dahil may organisasyon na gustong makuha ang buong kontrol sa loob ng center, pero nagrebelde umano ang mga preso sa ilang selda.

Sa katunayan, noong 2021, nasa 320 inmates ang napatay sa riots.

Samantala, kontrolado na ang riot sa loob ng kulungan matapos ideploy ang 800 pulis at 200 mga sundalo sa loob. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *