2022 T’nalak Festival, magiging face-to-face na

KORONADAL CITY- PAGKATAPOS ng dalawang taon, magiging face-to-face na ang pagdiriwiang ng 56th Foundation Anniversary at 23rd T’nalak festival ng South Cotabato sa buwan ng Hulyo.

Matatandaan na naging virtual lamang ang mga nakaraang selebrasyon ng T’nalak dahil sa COVID 19 pandemic.

Ngunit ayon kay provincial administrator Atty. Renette Bergado, executive committee chairperson ng T’nalak Festival, na nilimitahan lamang sa limang araw ang pagdiriwang at may mga aktibidad na hindi isinama ngayon tulad ng Street Dancing at Showdown.

Nasa P 21 million ang inilaang pondo ng probinsya para sa naturang kapistahan na magsisimula sa July 14 hanggang July 18.

Kabilang sa mga aabangan ang Bahay Kubo, Plant Fair and Product Display; Farm Walk and Farmers’ Festival and Pinaka Contest; Regional Trade and Tourism Expo; Food Garden Festival; Hip-Hop Competition; at ang highlight na Mutya ng South Cotabato.

Mayroon ding isasagawang Thematic Parade, Fireworks Display, Governor’s Night: Recognition Awards’s Night, Mini-concert, Rock-rakan sa T’nalak at mga sports events.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *