Agricultural Training Institute sa Central Luzon, naghahanap ng scholars

Naghahanap ang Agricultural Training Institute o ATI-Central Luzon ng 10 kabataan na magiging trainees at 5 farm partners para sa Youth Scholarship Grant for Organic Farming.

Ang naturang scholarship program ay isang highly specialized internship program na idinisenyo para hikayatin ang mga kabataan sa pagsasaka at ituro sa kanila ang pagpapahalaga sa agrikultura partikular sa organic culture na pwede rin nilang pagkuhanan ng kita.

Ang Youth Scholarship Grant for Organic Farming ay naiiba sa iba pang mga scholarship program ng DA, dahil maliban sa stipend magbibigay din ito ng panimulang suporta at mentoring para sa pagpapatupad ng kanilang plano sa negosyo hanggang sa sila ay maging organic agripreneur.

Sa kabila raw kasi ng magandang offer ng nasabing programa, kokonti pa rin ang bilang ng mga kabataan na nagkaka interes dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *