Andrew E. hindi inakalang papatok muli ang kantang ‘Shoot! Shoot!’

Hindi inasahan ng rapper-comedian na si Andrew E na papatok ang kaniyang kantang “Shoot! Shoot!”, matapos ang 18 taon mula nang isulat niya ito.

Tungkol sa long-distance relationship ang nasabing kanta, na nag-vi-viral ngayon sa video sharing platform na TikTok.

Sinabi ni Andrew E. na hindi naman talaga siya nagkaroon ng karanasan sa isang long-distance relationship nang isulat niya ang kanta noong 2003.

Gayunman, nagdesisyon siya na i-challenge ang sarili at inisip ang sarili niya na nasa sitwasyon habang sinusulat ng kanta habang tinitiyak na ito ay “full-proof”.

Aminado si Andrew na ikinagulat niya ang pagsikat  muli ng “Shoot! Shoot!” sa TikTok ngunit naniniwala siya na posibleng patuloy na nae-entertain ang publiko sa mga nagawa niyang kanta matapos ang maraming taon.

Bukod sa pagiging viral ng kanta ay nakatakda na rin maipalabas ang comedy-flick na base rito na pinamagatan bilang “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan”.

Ipinunto ni Andrew na sa edad niya ay hindi siya makapaniwala na makakahalikan niya pa ang mga mas bata niyang leading ladies, at ang patuloy na pagsuporta ng mga tao sa mga pelikula niya.

Sa October 8 na mapapanuod sa Vivamax ang comedy-flick kung saan ay sasamahan siya ng sexy stars na sina Sunshine Guimary at AJ Raval.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *