Nadagdagdagan pa ang bilang ng mga namamatay sa probinsya ng Zambales dahil sa dengue.
Ito ay dahil mula sa apat ay umakyat na sa pito ang naitalang patay ng Provincial Health Office mula buwan ng Enero hanggang Hulyo.
Ayon kay Zambales Health Officer Dr.Noel Bueno, umabot na sa 739 ang total cases ng dengue sa probinsya at mula sa mga naitalang patay ay mga bata.
Noong 2020, mahigit dalawang daan lang ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa kaparehong mga buwan, di hamak na mas kakaunti kumpara ngayong taon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO