Bishop Alarcon ng Diocese of Daet pinaalalahanan ang mga magulang na huwag munang isama sa simbahan ang mga batang edad 11 anyos pababa para sa mga liturgical celebration

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet ang mga kabataang edad 11 anyos pababa na manatili muna sa loob ng bahay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Kasunod din ito ng ipinalabas na Executive Order ni Governor Edgardo Tallado kahapon na hindi na muna papayagan ang paglabas ng bahay ng mga batang edad  11 anyos pababa maliban sa pag access ng medical at health services.

Ayon kay Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth, hindi na muna dapat isama ng mga magulang ang mga bata na may ganoong edad sa pagdalo sa mga liturgical celebration.

Kasabay din nito ay pinaalalahanan ng Obispo ang bawat isa na mag ingat sa mga panahong ito upang maiwasan ang sakit.

“Ipinapaalala na yung mga kabataan na 11 years old ay huwag na munang lalabas, kaya sa linggo,  ay we discouargae muna na huwag na munang dalhin yung mga kabataan 11 years old below  during the liturgical celebration at ang aming patuloy na pagpaalala na mag iingat tayo sa mga panahong ito” ani Alarcon kaninang umaga.

Hinimok rin ni Father Salvador Babala IV, Rector at Parish Priest ng Shrine of Jesus the Black Nazarene at Parish of St. Lucy sa Capalonga na patuloy na sundin ang health protocol na ipinapatupad ng gobyerno.

Ipinaalala rin nito na laging dalhin ang vaccination card at hinimok ang mga wala pang bakuna na magpabakuna na kontra COVID- 19.

Habang ang mga nakakumpleto na ng ikalawang dose ay hinimok ng pari na magpa booster shot.

“Sundin po natin ang health protocols na ipinatutupad mg ating pamahalaan, bawal ang mga bata na ilabas muna, laging dalhin ang vaccination card ninyo, yung mga hindi pa nakakapagpabakuna sikapin niyong makapagpabakuna na, at yung nakapagpabakuna na sikapin ninyo na makapagpa booster na kayo,” ani Babala.

Epektibo ang bagong Executive Order na ipinalabas ng Gobernador simula Enero 16, araw ng linggo.

Sa ilalim ng naturang kautusan ay mga bakunado lamang ang pinapayagang lumabas ng bahay maliban kung ang sadya ay serbisyong medikal at pangkalusugan.

Ang mga bakunado lamang din ang papayagang pasahero sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan, kasama ang traysikel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *