Camarines Sur hindi pa napabilang sa may Health Facilities na fully vaccinated na ang empleyado; dagdag na 3, 900 ng coronavac dumating na

NAGA CITY- Pitong mga Health Facilities ang kinilala ng Department of Health Bicol kahapon  dahil naabot na ang 100% coverage  ng target mabakunahan na empleyado.

Sa pitong ito , wala pang nakasama sa Camarines Sur kahit umabot na sa 93% ang nabakunahang Health Care Worker base sa datus na ibinahagi ng Bicol Medical Center.

Sinabi ni Dr. Natalie Lazaro, Chief of BMC Public Health Unit , 90% na ang vaccinated sa BMC pa lang, ngunit nagkakaroon ng counseling upang mahikayat pa ang natitirang empleyado na magpabakuna na rin.

Samantala, dumating na ang 3, 900 doses ng Coronavac ng Sinovac para sa lalawigan, Kasama na rito ang sa Naga at Iriga City. Inaasahang madaragdagan pa ang porsyento ng mga vaccinated na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *