Coco at Julia, magsasama muli sa isang pelikula

Magsasama muli sina Coco Martin at Julia Montes sa isang pelikula matapos ang pitong taon.

Kamakailan lang ay kumalat online ang mga larawan ng rumored couple kung saan ay makikita ang dalawa na pinuntahan ang kanilang lokasyon para sa pelikula.

Sa post ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz, ay inanunsyo niya na matatagpuan sa kanilang munisipalidad ang set ng pelikula na pagbibidahan nina Martin at Montes.

Ipinunto ni Cruz na ang kanilang byahe kasama ang dalawang celebrities ay para sa localization familiarization.

Kaugnay nito ay sinabi ni Cruz sa isang interview na ni-repost sa mga fan pages na naka-dedicate kina Martin at Montes, na magsisilbi si Brillante Mendoza bilang direktor ng pelikula.

Inaasahan naman ni Cruz na sisimulan na ang paggawa sa pelikula sa loob ng dalawang linggo, kung saan ay makakasama rin nila si Raymart Santiago sa cast.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *