DepEd-Albay, nanawagan sa mga Albayano na makibahagi sa “Ka-Brigada Pagbasa” Program

BICOL— Hinihikayat ngayon ng DepEd-Albay ang publiko na makibahagi at maging volunteer sa nagpapatuloy na “Ka-Brigada Pagbasa” program ng nasabing ahensya.

Ayon sa DepEd, maaring dumulog sa mga eskwelahan ng nasabing lalawigan ang sinumang nais na maging Ka-Brigada Pagbasa Volunteer na nahahati sa tatlong kategorya.

Una ay ang pagiging Volunteer Tutor na magtuturo sa mga batang magsisimula pa lamang ng pag-aaral gaya ng mga Kindergarten hanggang Grade 1. Ikalawa ay ang mga Volunteer Donor na para naman mga nais at may kakayahang magbahagi o mag donate ng mga educational at reading materials na ipapagamit sa mga mag-aaral at ang pangatlo ay ang Volunteer Support na para naman sa mga nais magpakita ng suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyong pagkain, school supplies, o kaya naman ay financial assistance.

Ang “Ka-Brigada sa Pagbasa Program” ay inilunsad ng Department of Education katuwang ang iba pang stakeholders na may layuning matulungan ang mga batang mag-aaral sa bansa na matutong magbasa.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *