Pinasinayaan ang bagong TV studio ng Department of Education sa Olongapo City kahapon.
Ito ay gagamitin ng mga guro sa paggawa ng iba’t ibang video lessons na gagamitin naman para sa mga mag-aaral.
Ayon kay Superintendent Leilani Cunanan, hindi na kailangan pang pumunta ng Manila ang mga teacher-broadcaster at makakatulong para sa paggawa ng mga video lessons.
Matatandaan na dahil sa pandemic ay nasa distance learning ngayon ang sistema ng edukasyon sa bansa para maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral sa kabila na may kinakaharap na pandemya.//Jen Bayot- BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DepEd Tayo Olongapo City