DOH nagtala ng 6,258 new COVID-19 cases

Kinumpirma ng Department of Health ang karagdagang 6,258 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para madagdagan rin ang total active coronavirus cases sa 55,531.

Ang bilang ng active cases ay kumakatawan sa 4.7 percent ng kabuoang case count na 1,171,403.

Sinabi naman ng DOH na ang kabuoang bilang ng mga gumaling mula sa respiratory disease ay nasa 1,096,109, matapos maitala ang 2,586 na mga bagong recoveries.

Samantala, 141 pang indibidwal ang pumanaw mula sa naturang sakit, dahilan para sumipa ang coronavirus death toll sa 19,763. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *