DTI at DA sanib puwersa sa pagpapatupad ng EO 39; mga bigasan sa Camarines Sur iniikot

CAMARINES SUR- Tuloy na tuloy ang implementasyon ng Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr o ang Price Ceiling sa bigas upang makontrol ang patuloy na pangtaas ng presyo nito.

Base sa Executive Order 39 ang regular milled rice ay hindi maaaring lumagpas sa P41/kilo habang ang well-milled rice ay P45/kilo.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Department of Trade and Industry Camarines Sur Provincial Director Jay Ablan, nag-iikot ang mga personahe ng DTI sa lalawigan at sa Naga City People’s Mall.

Sa pag-iikot naman ng BNFM nakitang sumunod ang mga vendors, mabilis nauubos ang ₱45/kl pero narororoon pa rin ang agam-agam na baka nalugi.

Ang DTI magkakaroon ng inisyal na report matapos na umikot, at kapag naisumite ang resulta sa mga nararapat na opisina saka pa lamang mababatid kung may mga mapapatawan ng penalidad.

Sinabi rin ni Alban na uunahin ang monitoring sa mga tindahan na nasa listahan ng DTI na otorisadong magbenta ng bigas, ang mga maliliit na tindahan at sari-sari store naman at mga nasa malalayong lugar pag-uusapan pa kung paano ang magiging sistema kasama ang Department of Agriculture.

Una nang sinabi ng mga nagtitinda sa NCPM, na mabigat para sa kanila ang EO dahil namuhuhan sila ng malaki.

❤️

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *