Econ managers, umaasang magtutuluy-tuloy pa ang pagbaba ng inflation rate

Umaasa ang mga economic managers ng adminstrasyon na magtutuluy-tuloy pa ang pagbagal ng inflation sa bansa.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan – sa mga susunod na buwan ay babagal pa ang inflation mula sa pinakamabagang year-on-year rate na 6.1% nitong Abril.

Sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pasok pa rin ang May 2023 sa kanilang forecast na 5.8-6.6%.

Kumpiyansa rin si Finance Sec. Bejamin Diokno na maaabot ang target inflation na 2-4% bago pa man matapos ang taon.

Tiniyak naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mananatili ang commitment ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) para masiguro ang energy and food security. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *