‘Entrepreneurship training’ sa mga science scholars, inaaral ng DOST

Tinitingnan ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbibigay ng entrepreneurship training para sa mga scholars sa mga fields ng science, engineering, at ibang katulad na programa.

Sa isang panayam, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na ang pagkakaroon ng training sa mga nasabing scholars ay magbubukas ng mas maraming oportunidad gaya ng pagbuo ng sariling businesses.

Bukod dito, ang entrepreneurship training para sa mga scholars ang siyang magpapataas nga estado ng mga scholars.

Mula sa pagiging empleyado, posible umano silang mag-may-ari ng sariling kumpanya.

Konektado sa hangarin ng DOST, nais ding makipagtulungan ng ahensya sa mga local businesses na siyang magbibigay ng mga business model na pagsisimulan ng mga scholars.

Bago ito, una nang hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang DOST na magbigay pa ng mas maraming scholarship sa mga kabataang Pilipino upang makabuo ng mas maraming scientists, innovators, at researchers.

Aniya, kinakailangang bigyan pa ng mas maraming opportunities ang mga nasabing fields upang matuto sila bagong kaalaman, dahil science and technology ang siyang magdidikta sa success ng bansa sa mga susunod na taon.//SMM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *