Hawks tinambakan ang Bucks para itabla ang serye sa ECF, 2-2 na!

Hindi naging problema para sa Atlanta Hawks ang pagkawala sa line-up ng kanilang star player na si Trae Young sa Game 4 ng NBA Eastern Conference Finals series.

Sa pamamagitan ng balanseng scoring at mahigpit na depensa nagawang tambakan ng Hawks ang Milwaukee Bucks, 110-88 para itabla ang serye sa 2-2.

Nanguna sa panalo si Lou Williams na nagtala ng 21 points at 8 assists habang may 20 points naman si Bogdan Bogdanovic na nagpakawala ng 6 na tres.

Nagkasya naman sa 14 points si 2-time MVP Giannis Antetokounmpo na hindi na makabalik sa laro sa 7:14 ng 3rd period matapos magtamo ng injury sa tuhod.

Magugunitang hindi nakapaglaro si Young para sa Hawks dahil sa ankle injury noong Game 3.

Babalik naman sa home court ng Milwaukee ang Game 5 na gaganapin sa Biyernes, July 2, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *