Hotel na ‘tinakasan’ ng COVID-19 positive na pumarty, humingi ng paumanhin kasabay ng pag-amin ng kapalpakan

Humingi ng paumanhin ang Berjaya Makati Hotel dahil sa kapalpakan umano nitong bantayan balikbayang lumabag sa quarantine at naki-party sa Poblacion, Makati City kamakailan.

Pero ayon sa pamunuan ng hotel, isa lang ito sa mga insidente sa halos dalawang taon na pagsisilbi nila bilang quarantine hotel, kasabay ng pagtitiyak na ito na ang huli.

Tiniyak naman ng Berjaya Makati Hotel na nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad, sa gitna ng nagpapatuloy na contact tracing sa mga nakasalamuha ng COVID-19 positive na si  Gwyneth Chua.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na 5 sa mga nakasalamuha ni Chua.

Mababatid na Disyembre 22 nang dumating at magcheck-in sa nasabing hotel si Chua para sa kanyang quarantine, pero Disyembre 23 nang makita umano itong nagpa-party sa Poblacion, at Disyembre 26 nang sumailalim siya sa swab test at lumabas na positibo sa COVID-19 kinabukasan.

Samantala, Disyembre 29, inilipat si Chua ng quarantine facility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *