Ilang mga miyembro ng 4Ps sa Naga City Posibleng matanggal sa listahan dahil sa pagpapabaya sa mga anak na gumala sa kalsada kahit ngayong may pandemya

NAGA CITY – Namemeligrong matanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga magulang ng mga batang nakikitang pagala-gala sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Naga.

Natuklasan kasi ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na ang mga nahuli nilang mga batang lansangan ay mga miyembro ng 4Ps ang mga magulang.

Ito anya ay isa sa mga violations ng nasa 4Ps na ang parusa ay pagkakaalis sa listahan, ayun kay CSDWO Chief Annabelle Vargas.

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Vargas, sinabi nito na ipapatawag nila ang mga magulang ng mga bata para sa isyung ito, kasabay na rin sa muling pagpapaala sa na delikado sa mga anak nila ang nasa kalsada lalo pa kung alanganing oras.

Isa pa anya may pandemya ngayon at nassa ilalim na ng Modified Enhanced Community Quarantine ang lungsod.

Sa kabila ng kasalukuyang panahon tuloy pa rin ang pag-iikot nina Vargas sa kasentrohan ng lungsod para hulihin o i-rescue ang mga street children, kasama na rin ang ilang mga street adults.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *