Infectious diseases expert, tutol sa pagban sa lahat ng bansa na may Delta variant

Tutol ang isang infectious diseases expert sa pagban sa mga travelers mula sa lahat ng bansa na nakakaranas ng mas nakakahawang Delta variant (B.1.617.2) na unang nadetect sa India, basta ipapatupad lang ng maayos ang quarantine procedures na kasalukuyang umiiral.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng adult infectious diseases unit sa San Lazaro hospital, dapat ipagpatuloy ng gobyerno na i-monitor ang tinatawag na “double-mutant” variant na pinaniniwalaang 60% na mas nakakahawa kumpara sa ibang COVID-19 variants.

Nagbabala rin si Solante na ang Delta variant ay mas nakakaalarma, dahil may characteristics ng virus na nagiging mas stable ito sa upper respiratory tract, na dahilan na nagpaparami sa loob ng katawan ng isang tao.

Paliwanag pa ng eksperto, kaya rin mas nagiging transmissible ito dahil mas marami ang inilalabas na virus ng taong may dala nito. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *