Aprubado na ng House of Representatives sa huling pagbasa ang panukala na nag-uutos para sa registration ng SIM cards.
Sa botong 181-6-0, naaprubahan ang House Bill 5793 na naglalayung matulungan ang mga otoridad na mahanap ang mga kriminal na gumagamit ng kanilang mobile phones para gumawa ng ilegal na aktibidad
Ipinag-uutos rin dito na irequire ng lahat ng public telecommunications sa kanilang mga end user ng SIM card na magpresenta ng valid ID na may photo para matiyak ang kanilang identity.
Sa gitna nito, required rin ang mga foreign nationals na iparehistro ang kanilang SIM cards.
Sa ilalim ng confidentiality clause, anumang impormasyon sa sim card ay kailangang tiyakin bilang “absolutely confidential.” //MHEL PACIA-TRINIDAD