Kaso ng COVID-19 sa Catanduanes sumampa na sa 925; pagbabakuna sa mga nasa A4 category, uunti-untiin na

BNFM BICOL— Sumampa na sa 925 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes matapos na makapagtala ng 20 bagong kaso ng sakit nitong weekend.

Sa inilabas na report ng DOH-Bicol kahapon araw ng Linggo, siyam sa mga bagong nag positibo ang mula sa bayan ng Virac; lima sa bayan ng Pandan; tatlo sa Bato; dalawa sa bayan ng Bagamanoc habang isa naman ang nag positibo sa bayan ng Caramoran.

Bunsod nito, umakyat sa 126 ang nananatiling aktibong kaso ng sakit sa probinsya habang nasa 788 na rin ang bilang ng recoveries matapos na makapagtala ng siyam na mga bagong gumaling nitong Sabado at Linggo.

Wala namang naitalang bagong pagkasawi kaya’t nananatili sa 11 ang COVID-19 fatalities sa islang lalawigan. Samantala, nasa 83% na ng target population sa Catanduanes ang nabakunahan na kontra COVID-19, batay sa pinakahuling tala ng PHO.

Nangangahulugan, na nasa 24,062 mga indibidwal na sa Catanduanes ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Nitong araw ng Sabado, dumating sa Virac Airport ang karagdagang 6,000 doses ng Sinovac vaccines kaya’t asahan umano ang tuloy-tuloy na pagbabakuna sa lalawigan partikular sa mga nasa A1, A2 at A3 category habang uunti-untiin na rin ang mga nasa A4 category tulad ng mga guro at uniformed personnel.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *