Lalaking mahilig amuyin ang mabahong medyas, nagkaroon ng impeksiyon sa baga

CHINA– Ang medyas na ginagamit natin bilang sapin at proteksyon sa paa bago magsuot ng sapatos ay normal na magkaroon ng hindi kanais-nais na amoy lalo na kung ito ay nabasa habang suot.

Ang hindi yata normal ay ang pag-amoy ng medyas, kahit na alam mong masangsang ang amoy nito pagkatapos na suotin.

Bukod kase sa hindi kanais-nais na amoy, maaari din palang maghatid ng seryosong sakit ang habit na ito.

Ganyan ang nangyari sa isang 37-anyos na lalaki sa Fujian Province sa bansang China na kinilala sa pangalang ‘Peng’.

Batay sa ulat, isinugod sa 909 Hospital si Peng, makaraang makaramdam ng pananakit ng dibdib at hindi mawala-walang pag-ubo.

Na diagnose si Peng sa pagkakaroon ng ‘severe lung infection’ kung saan ang sanhi nito ay ang bacteria na madalas matagpuan sa maruruming sapatos.

Dahil dito, inihayag ni Peng sakanyang mga doktor na nakaugalian niya na ang pag-amoy ng kanyang mabahong medyas pagkauwi ng bahay galing sa trabaho.

Ito umano ang nakikitang dahilan ng mga doktor, sa pagkakaroon ni Peng ng impeksyon sakanyang baga.

Ayon sa mga doktor na gumamot kay Peng, napakabihira ng ganitong kaso ngunit ito ay totoong nangyayari.

Sa ngayon, magaling na si Peng matapos ang ilang araw na pagkakaospital habang sinabi nitong hindi niya na ulit aamuyin ang kanyang mabahong medyas.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *