Mass grave malapit sa capital city ng Ukraine, nadiskubre

Nadiskubre ang isang mass grave sa bayan ng Bucha na malapit lamang sa Ukraine capital city na Kyiv.

Ayon sa ilang residente, inilibing ang mga nasawi sa ground ng St. Andrew and Pyervozvannoho All Saints church sa mga unang araw ng giyera.

Kinumpirma ng ilang residente na karamihan sa tinatayang 150 na mga bangkay na nailibing sa lugar ay sa mga sibilyan na nasawi sa Bucha kasunod ng paglusob ng Russia.

Inihayag naman ng Alkalde ng Bucha na posibleng umabot sa 300 mga biktima ang nailibing sa mass grave.

Matatandaan na ang bayan ng Bucha ay isa sa may pinakamatinding bakbakan mula nang sumiklab ang giyera.

Samantala, maliban sa mga nasawi, naitala din ang mga nakapilang sasakyan ng Russian troops, mga napinsalang bahay at mga gusaling nasira

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *