Mga Barangay Tanod sa Naga City magiging bahagi ng traffic enforcers ngayong peñafrancia fiesta celebration

NAGA CITY – Magagamit na ng mga Barangay Tanod ng Naga City ang kanilang mga natutunan sa training seminar hinggil sa peace and order situation, dahil opisyal na silang magiging traffic enforcers ngayong Peñafrancia Fiesta Celebration.

Mula bukas sa unang araw ng Septyembre mas higit na magiging aktibo ang mga ito sa mga barangay lalo na sa mga main streets para maging katuwang ng mga pulis at ng mga PSO Personnel sa pagta-trapiko.

Bukod pa diyan ay ang pag-responde nila sa mga kaguluhan at aksidente.

Kahapon, inipon sila ng para muling patibayin ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng mga ibinahaging activities.

Dinaluhan ito ng mga punong barangay tanod at kanilang representante.

Sa pahayag naman ni City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na bahagi sila ng peace and order council, at agad silang inalerto kasama na ang mga barangay opisyal para sa layuning nabanggit.

Inaasahan ang pagdatingan ng mga maraming deboto at bisita, kaya kailangan ang maraming personahe at otoridad na mangangalaga sa katahimikan at seguridad sa lungsod.          

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *