NBA Playoffs: Booker uminit para ipanalo ang Suns vs Lakers, 109-100

Nakauna na ang Phoenix Suns laban sa Los Angeles Lakers sa best-of-7 series sa unang round ng NBA playoffssa Western Conference.

Sinelyuhan ng Suns ang Game 1 laban sa defending champion 109-100 sa pangunguna ni Devin Booker na umiskor ng 34 points, 7 rebounds at 8 assists.

Mula umpisa ng laro ay hindi na lumingon pa ang Phoenix sa kabila ng mga pagkakataon na pinilit ng Lakers na makabalik sa laban.

Nagpamalas naman ng magandang depensa ang sentro ng Suns na si Deandre Ayton maliban sa ambag nitong 21 points at 16 rebounds.

Nalimitahan sa 13 puntos si Anthony Davis habang si Lebron James ay humakot lamang ng 18 points para sa Los Angeles.

Samantala sa ibang resulta ng mga laro:

Wizards – 118
76ers – 125

Hawks – 107
Knicks – 105

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *