OCTA: Dumaguete City ‘area of most serious concern’

Tila naalarma ngayon ang independent research group OCTA kaugnay sa pagtaas ng COVID-19 growth rate sa Dumaguete City, Negros Oriental, dahilan para tukuyin ito bilang “area of most concern” sa labas ng NCR Plus.

Batay sa report ng OCTA simula noong June 7 hanggang 13, nagtala ang Dumaguete City ng 129% one-week growth rate at average daily rate na 69.85%.

Dahil sa naturang bilang, ang naturang lungsod ay classified na ngayon bilang “extremely high risk.”

Una na ring tinukoy ng grupo ang Iloilo City, Butuan City sa Agusan del Norte, Tacloban City, at Polomolok sa South Cotabato bilang areas of concern dahil rin sa tumataas na bilang ng COVID-19 at mataas na healthcare utilization rates.

Ang Tagum City sa Davao del Norte, Legazpi City sa Albay, at Tagbilaran City sa Bohol, ay ikinokonsidera naman bilang “emerging hotspots,” // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *