‘Pagbibigay ng western vaccines sa Pinoy seafarers, di paglabag sa equal protection of laws’- Duterte

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais ng mga Pinoy seafarers na mabakunahan ng western COVID-19 vaccines. 

Ayon sa pangulo, susundin ng pamahalaan ang hiling ng mga mandaragat di dahil espesyal sila o nakaka-angkat sa ibang sektor kundi dahil hinihingi ng pagkakataon. 

Ito ay dahil mas gusto umano ng mga employers nila abroad na western vaccines ang maibakuna sa kanila. 

Bilang isang abugado, sinabi ng pangulo na wala naman itong nalalabag sa equal protection of laws.

Ginawa umano kasi itong requirement ng mga employers sa ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kasabay nito, sinabi ni pangulong Duterte na pare-parehas lang naman ang mga bakuna saan man ito ginawa at wala pang patunay na mas angat ang isang brand kaysa sa iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *