Pagsangahan River sa Basud kasama sa minomonitor at pinag aaralan ng Primewater para maging source ng tubig

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Primewater na kasama ang Pagsangahan River sa bayan ng Basud, Camarines Norte sa minomonitor at pinag aaralan ngayon na maging source ng tubig.

Ayon kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda kamakailan lang ay mayroong dumating na team mula sa kanilang Central Office para ito ay tutukan.

“Yung Pagsangahan po tuloy- tuloy pa rin, minomonitor po natin yun kung sakali para at least pag nag expand tayo sa portion na yun is meron din tayong separate na source para dun sa area nung paakyat na yun,” ani Muroda.

Pero ang higit na maganda umanong development ngayon ay ang Laniton, San Lorenzo Ruiz at Laniton, Basud bypass road na proyekto ng Provincial Government.

Ang isa umanong major project dito ng Primewater ay mag pipe lying kung saan ang tubig mula sa San Lorenzo Ruiz ay dadaloy patungong Basud.

Kapag nangyari ito mauunang mapunta sa Basud ang tubig bago bumalik sa Daet.

Aminado naman si Muroda na pinag aaralan nilang mabuti ang tungkol sa service expansion.

We will be conservative ika nga, because ayaw din naman natin na sisihin na kaya naman nawalan ng tubig sa sentro, ng sa bayan is because nagdagdag tayo ng kunsesyunaryo, so we will do it face by face.”

Kailangan na muna aniya na siguruhing sustainable ang suplay sa mga existing na kunsesyunaryo bago magdagdag upang hindi maapektuhan ang network.

Kaagapay din umano nito ang mga rehabilitation projects.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *