Pahayag ni Slater Young sa pagpantasya sa ibang babae ng lalaki kahit may GF na , umani ng reaksyon mula sa mga netizens

Umani ng magkahalong reaksyon mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Slater Young kamakailan sa podcast nila ng asawang si Kryz Uy.

Ani Slater, normal lang umano sa mga lalaki na mag-send ng larawan ng mga babae sa mga group chat at pagpantasyahan ang mga ito.

Ayon sa anonymous listener, ang boyfriend daw niya ay napag-alaman niyang nagpapantasya ng ibang babae kasama ang iba pa nitong mga kaibigan, batay sa kanilang group chats.

Sa naturang group chats ng mga kaibigan ng kaniyang boyfriend, makikita ang iba’t ibang litrato ng mga babaeng pinapantasyahan nila.

Sey naman ng mag-asawa, “very normal” ang ganitong akto sa mga lalaki, at nagiging masama lamang kung gagawin nang aktuwal na hahantong na sa cheating.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizens,. Sinabi ng isa, “Naging red flag bigla si Slater” habang ang isa naman ay “May mga normal na mali. Calling it normal doesn’t make it right.”//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *