Pampasabog, uniporme at mga gamit ng NPA, narekober sa Puerto Princesa

Narekober ng pulisya ang mga pampasabog at mga kagamitan ng New People’s Army sa Sitio Irish Bgy. Binduyan, Puerto Princesa City.

Iniulat ng Puerto Princesa City Police Office na ganap na alas-onse nitong Martes nakuha ng CMFC(lead unit), CIU, PS1, CECU,  Puerto Princesa City at Anti-Crime Task Force ang mga kagamitan.

Ang mga narekober ay ang dalawang Improvised Anti-Personnel Landmine , 1 rifle grenade , uniporme at mga subresibong dokumento.

Naging matagumpay ang pagrekober sa kagamitan sa pakikipagtulungan ng dating CTG member  sa operatiba ng City Mobile Force Company.

Samantala, ang Improvised Anti-Personnel Landmine at riffle grenade ay nasa pangangalaga na ng City Explosive Ordnance Disposal and Caninae Unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *