PH, nakatanggap ng higit 3M na bagong COVID-19 vax doses

Nakatanggap ang Pilipinas ng kabuoang 3,072,780 na bagong COVID-19 vaccine doses nitong weekend.

Ang unang bakunang dumating ay noong Sabado sa 811,980 COVID-19 vaccine shots na donasyon ng France sa pamamagitan ng World Health Organization-backed COVAX facility.

Ang suplay naman ng bansa na Moderna COVID-19 vaccine ay nareplenish sa pamamagitan ng delivery sa 1,597,400 doses sa dalawang batches kahapon, na donasyon ng Germany sa pamamagitan rin COVAX.

Samantala, kagabi rin dumating ang 663,400 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng private sector.

Una nang inanunsyo ng national government na nakapagturok na sila ng mahigit 100 million coronavirus vaccine shots, kung saan mahigit 56 million ay ibinigay bilang first doses. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *