Philippine Army sa Bicol iginiit na terorista ang CPP- NPA

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Philippine Army sa Bicol na terorista ang Communist Party of the Philippines-  New People’s Army (CPP-NPA) dahil sa mga ginagawa at aktibidad nito

Sa kabila ito ng naging desisyon ng Manila Regional Trial Court-Branch 19 na nagbabasura sa petisyon ng Department of Justice na ideklara ang CPP-NPA bilang teroristang grupo.

Sa isinagawang Press Conference nitong Biyernes, September 23, sa Camp Elias Angeles, Pili, Camarines Sur na dinaluhan ng mga opisyal ng 9th ID Press Corps mula sa Albay, Camarines Norte at Sorsogon, sinabi ni Major General Alex Luna,  Commander ng 9th Infantry Division na ang ginagawa ngayon ng rebeldeng grupo ay gawain ng terorista.

“Sa totoo lang po talagang terorista sila eh, eh hindi po ba terorista yung kunin yung mga anak natin eh gawin nilang NPA tapos yung papatay ng sibilyan, mag aambush ng sibilyan, magnanakw mag- extortion sa mga negosyante rito sa bansa natin terorista po yan, giit ni Luna

Naniniwala si Luna na pwede pang ihirit ng gobyerno sa mas mataas na hukuman ang nais nito na ideklarang terorista ang naturang grupo.

Isa umano sa pwedeng maging basehan nito ay ang pagdedeklara ng ibang bansa na terorista ang CPP- NPA tulad ng   ginawa ng Australian government.

Paliwanag ng opisyal na walang pinagkaiba ang ginagawa ng NPA sa mga nasa likod ng kidnapping sa katimugang bahagi ng bansa dahil ang pananakot, extortion, pang- aambush at iba pang gawaing labag sa batas na ginagawa ng NPA ay maituturing na terorismo.

Patuloy pa rin daw na tatawaging Communist Terrorist Group ang grupo sa kanilang mga Press Relase at public pronouncement

Mababatid na ang kaso laban sa mga kasapi ng CPP-NPA ay ibinase sa Human Security Act of 2007 na napalitan na ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *