LEGAZPI CITY – Ang 911 ay isang ahensya kung saan sila ang quick response team, sila ang nagmomonitor ng peace and order ng siyudad ng Legazpi usaping trapiko,mga sakuna o aksidente at lahat ng issue o usaping kapakanan ng mga tao.
Pinagmamalaki na ipinahayag ni Mayor Noel Rosal, outgoing na Alkalde ng nasabing syudad sa kauna unahang pagkakataon sa Pilipinas, mag upgrade ang 911 ng advance na paraan upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga aksidente at serbisyo publiko, mas papaiksiin umano ang oras ng pag responde sa mga pangangailngan ng mga tao, lalong na ang pag trace kung saan nanggagaling na area ang tawag.