Presyo ng karneng baboy sa Cauayan City private market, bumaba

May pagbaba na sa presyo ng karneng baboy sa pribadong pamilihan ng Cauayan City dahil gumaganda na umano ang suplay ng baboy.

Ito ang inihayag ni Meat Section President Boyet Taguiam sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon sa kaniya, sa ngayon ang presyo ng pork ay bumaba na sa 300/kilo mula sa dating 340-350 per kilo at kasabay din nito ang pagbaba ng live weight na nasa 170-175 per kilo.

Aniya, karamihan na sa mga kinakatay ngayon na baboy ay galing na mismo sa lalawigan ng Isabela partikular sa isang piggery sa bayan ng Angadanan na tinatayang nasa 2,000 heads ang handang i-dispose.

Marami na rin aniyang mga backyard hog raisers sa lunsod ang nakapag-alaga at nagbebenta na ng baboy.

Kung dati aniya nasa 20 heads lang ang kanilang kinakatay sa slaughter house kada araw ngayon ay dumoble na.

Ayon pa sa kaniya noong nakaraang linggo pa nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng karne ng baboy at natutuwa naman aniya ang mga konsyumer.

Gayunman, bagaman may pagbaba aniya sa presyo nakararanas pa rin sila ng tumal lalo ngayong panahon na wala pang anihan at mayroong ipinapatupad na paghihigpit dahil sa CQ bubble set-up sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *