SBIA nagsisilbing global gateway kasabay ng pagiging alternate port of entry para sa mga umuuwing OFWs

Napapanumbalik ng Subic Bay International Airport ang pagiging global gateway nito.

Ito ay dahil na rin umano sa nagsisilbing alternate port of entry ang SBIA para sa mga umuuwing Overseas Filipino Worker sa bansa bilang bahagi ng Repatriation Program ng gobyerno ngayong may pandemya.

Isa pa dito ay nakakatulong rin ito para sa karagdagang kita sa airport at mga hotel sa Subic na accredited ng Department of Tourism.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, ngayong ikatlong kwarter ng taong 2021, umabot sa 1.6 million in direct income ang naibigay nito sa Subic airport at 218.7 million sa mga hotel.

Nagsimulang lumapag ang mga flights sa SBIA nitong buwan ng Hulyo lulan ang mga umuuwing OFW sa bansa.

Mayroon na umanong dalawamput pitong OFW flights ang lumapag dito maliban pa sa siyam na flight na nag-divert sa Clark Airport dahil sa mga nakalipas na sama ng panahon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of footwear and text that says 'Ang obesity ay nakakamatay! 205 Power Cells Herbal Mix Gew Brew NUTRI CLEANSE'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *