Tulong pangkabuhayan sa mga Fisherfolks na naaapektuhan ng bagyong Ambo handa nang ipamahagi

CAMARINES NORTE – Nakahanda na para ipamahagi ang tulong pangkabuhayan sa mga fisherfolks sa lalawigan ng Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Ambo na nanalasa noong Mayo ng nakaraang taon.

Ang mga ipapamahaging seaweeds farm implements ay nagmula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na ang ipamamahaging tulong ay isang complete set package na may kasama na ring pantanim na gulaman.

Libre umano itong ipamamahagi sa mga apektadong seaweeds farmers para makabawi sa dinanas na perwisyo dahil sa malakas na bagyong Ambo.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Jose Panganiban, Capalonga, Mercedes at Labo.

Sa Jose Panganiban nasa 30 beneficiaries ang makaka- avail ng seaweeds farm implements na makakatanggap ng isang complete set package na mayroong lubid, soft tie plastic straw na may kasamang 1, 500 seaweed propagules.

Nasa 15 naman ang beneficiaries para sa restocking of grouper fish cage para sa 500 piraso ng juvenile grouper.

Nasa 40 naman ang beneficiaries na makaka- avail ng seaweed farm implements na may kasamang 3, 000 propagules sa bayan ng Capalonga.

Habang sa bayan ng Mercedes ay nasa 20 beneficiaries ang maaaring mag- avail ng farm implements na mayroong 1, 000 seaweed propagules at isang benepisyaryo naman sa Labo para sa restocking ng tilapia.

Ayon kay Tiam, ang mga ipamamahaging tulong pang kabuhayan ay nasa kanila nang opisina at ready for pick- up na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *