Wizards abanse sa playoffs, tinambakan ang Pacers, 142-115

Nakuha ng Washington Wizards ang huling pwesto para sa playoffs spot ng NBA Eastern Conference matapos talunin ang Indiana Pacers sa play-in tournament.

Tinambakan ng Wizards ang Pacers ng mahigit 30 puntos kung kaya’t nahirapan na itong makahabol hangang sa huling tunog ng buzzer.

Nanguna sa panalo ang tandem nina Russell Westbrook na kumamada ng 18 points at 15 assists habang si Bradley Beal ay humakot ng 25 points para sa Washington.

Samantala sa panig ng Pacers ay bumida si Domantas Sabonis sa kanyang triple-double na 19 points, 11 rebounds at 10 assists, subalit hindi pa rin sapat para talunin mahika ng Wizards.

Dahil dito tuluyan nang na-eliminate ang Indiana habang ang Wizards ay makakaharap sa best-of-seven series ang no. 1 at powerhouse sa East na Philadelphia 76ers. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *